Silent Princess

Breaking the Silence

LP: Alam mo ba?

Posted By on May 29, 2009

Ace Water SpaAlam mo ba na merong Ace Water Spa na nago-offer ng hydrotherapy massage dito sa Pilipinas? Nasubukan ko na ang services nila at nagustuhan ko tlga. Ang spa ay merong dalawampung kakaiba at “fully automated Ultrasonic Massage system with therapeutic aquatic jets” na makakaginhawa at makakalunas sa iyong pagod na kalamnan. Meron din silang “kids area” kung saan gustong-gusto ng anak kong maglaro, “hot herbal pool”, at sauna rooms. Paalala lang dun sa hot herbal pool, sundin ang payong tagal sa paglagi sa pool dahil akala ko mawawalan ako ng malay ng sinubukan ko yung tatlong herbal pool ng sunod-sunod. Para naman dun sa mga gustong lumangoy, meron din silang “25m; 5 lanes lapping pool” para sa inyo. Doon nga ginaganap ang swimming lessons ng Bert Lozada Swim School para sa bata at matanda. Talagang naiiba at nakakaginhawang karanasan ang mamasahe ng tubig, kaya’t huwag ng magalinlangang subukan ito.

(Do you know that there’s Ace Water Spa which offers hydrotherapy massage here in the Philippines?  I’ve tried their services, and I really like it.  The spa has more than 20 unique and fully automated Ultrasonic Massage system with therapeutic aquatic jets to relax and soothe your tired muscle.  It has also kids area where my daughter really likes to play, hot herbal pool, and sauna rooms.  Just a warning with the hot herbal pool, please follow the recommended time limit on staying there because I thought I was gonna faint after I tried the three  herbal pools simultaneously. For those who want to swim, it has also a 25m; 5 lanes lapping pool for you. Actually, it is where the Bert Lozada Swim School holds their swimming lessons for kids and adults. It is a different and relaxing experience to be massaged by water, so don’t hesitate it to try it.)

Ace Water Spa

Ace Water Spa Brochure

At alam mo ba na anim na anim na linggo na akong buntis sa pangalawang litratong ito?  Hindi ko rin alam iyon ng mga panahong yun.  Ang litratong ito  ay kuha nung nagbakasyon kami sa Plantation Bay Resort sa Cebu, 2005. Pagkabalik lang namin sa Manila saka ko nalaman na buntis na pla ako.  (And do you know that I was 6 weeks pregnant in this 2nd photo?  I did not know that too  during that time.  This picture was taken when we had our vacation at Plantation Bay Resort in Cebu, 2005. When we got back to Manila that was the only time that I learned that I was already pregrant.)

You might like these posts:


Comments

8 Responses to “LP: Alam mo ba?”

  1. yami says:

    Haven’t tried water spa yet. Mukhang maganda. Tungkol naman sa rock climbing, good thing walang nangyaring masama sa baby. Hindi ka nalula habang umaakyat ka?

  2. silentprincess says:

    try mo water spa, ok sya..

    kala mo lang mataas narating ko dyan pero nakailang hakbang lang ata ako dyan..hehehe

  3. Thess says:

    Oh wow! adventurous and fit ka, galing! Mukhang kailangan talagang nasa kondisyon ka to do the wall. I’ve seen it here and I found it strictly for the fit ones. (^0^)

    Happy LP :)

  4. Marites says:

    naipalabas itong lugar na ito noon sa TV, gusto ko siyang subukan. Mukhang maganda siya. maligayang LP!

  5. wow…sushal na spa! my god…isa kang dare-diva…na buntis!!!

  6. peachkins says:

    uy,gusto ko rin masubukan dyan.wala lang ako masyadong time

  7. Mirage says:

    Nagulat ako kasi sa english translation eh 6 months pregnant ang sinulat mo, 6 weeks lang pala…

    Mukhang masaya at hindi ko alam ang mga ito salamat sa pagsasabi mo….

  8. silentprincess says:

    thanks sa lahat ng bumisita.. try nyo yang spa na yan, ok tlga sya

    @mirage: ayy nailagay ko pla eh 6 months..heheh inedit ko na..thanks again!

Leave a Reply

*