Silent Princess

Breaking the Silence

LP: Nang Matapos

Posted By on May 16, 2009

kasumiKahapon ay huling araw ng “summer workshop” sa “Learning Jungle School” ng aking mahal na anak.  Binigyan ako ng guro ng “report” kung pano sya nagperform sa klase kasama ng mga artworks, exercises at isang klase ng grades.   Para sa akin ang report ang pinakaimportante sa lahat sapagkat iyon ang naglalarawan kung pano si kasumi sa klase.  Sa loob ng kotse dali-dali kong binuksan ang brown envelope at inumpisahan kong basahin ang report.  Nasa unang sentence pa lang ako ngunit kinailangan kong huminto sapagkat namuo ang luha sa aking mga mata at malapit ng tumulo.  Tinanong kaagad ako ng aking asawa kung anong problema at sinabi ko sa kanya na “ewan ko ba, pero naiiyak ako” hehe.  Tapos kinuha nya  ang papel sa aking mga kamay, binasa ito at pinuri si kasumi pagkatapos.  Pagkatapos nun binalik ko na ulit ang papel sa loob ng envelope.

Nang kami ay makarating sa bahay dun ko binasa ang report.  Ako ay nakangiti habang binabasa ko iyon sapagkat inilalarawan nun ang ugali ni Kasumi.  Ako ay masayang- masaya at proud na proud sa kanya sapagkat sya ay nagbehave, nagperform ng mabuti sa klase at palakaibigan sa kanyang mga kaklase.  Ang kanyang summer workshop ay nagtapos ng maayos at nag-iwan sa amin ng magandang alaala.  Heto ang larawan ng report nang matapos ang kanyang summer workshop:

kasumi-report

(Yesterday was the last day of my dear baby’s summer workshop at Learning Jungle School.  Her teacher gave me a report about how she performed in class along with her artworks, exercises, and some kind of grades.  The report is the most important of all to me because it describes how kasumi was in class.  Inside the car I immediately opened the brown envelope and started to read the report.  I was just reading the first sentence of the report but I had to stop reading because tears were building up in my eyes and were about to fall.  My hubby asked me immediately what was wrong and I told him “ewan ko ba, pero naiiyak ako” hehe.  Then, he got the paper in my hand,  read it and then praised Kasumi afterwards. I then returned the paper inside the envelope .

When we got home that was the time I read the report.  I was smiling while reading it because it really describes much of Kasumi’s personality.  I was very happy and proud of her because she behaved, performed well in class, and was very friendly with her classmates.  Her summer workshop ended well and left us with good memories.  Here is the photo of the said report when her summer workshop ended.)

You might like these posts:


Comments

7 Responses to “LP: Nang Matapos”

  1. Nortehanon says:

    Wow, congratulations, proud mommy! Nakakatuwa naman ang anak mo. And I admire her teacher for being diligent and thoughtful enough to describe Kasumi, at pati na rin siguro ang iba pa niyang classmates. How I wish lahat ng mga teachers ganyan kasipag.

  2. congrats! ang saya naman ng workshop nia…summer learning jungle! at napaka-detalyado ng report ng teacher niya. :)

  3. silentprincess says:

    Thank you to both of you! nakakatuwa talaga ang report na ginawa ng teacher nya…

  4. korky says:

    ang galing naman ni kasumi. feeling ko artistahin talaga yang inaanak ko na yan. at may boylet na kaagad. hahaha

  5. silentprincess says:

    naku, korky baka maunahan ka pa mag-asawa ni kasumi hahahah…

  6. yami says:

    Luha ng kaligayahan. Ganyan ang madalas maramdaman ng mga nanay gaano man kaliit o kalaki ang mga achievements ng mga anak natin. :)

    Congrats kay Kasumi at sa’yo na rin mommy! :)

    Naririto naman ang lahok ko noong nakaraang linggo.
    http://penname30.blogspot.com/2009/05/lp-2-nang-matapos.html

  7. silentprincess says:

    tumpak ka dyan yami..thanks sa pagbisita!

Leave a Reply

*