Silent Princess

Breaking the Silence

LP: Simula pa lamang

Posted By on May 9, 2009

Nung sunduin ko kahapon ang aking anak sa kanyang “summer workshop”, dali-dali nyang ibinigay sa akin ang puting envelope sabay sabing “Happy Mother’s Day, Mommy!”.  Muntik na akong maiyak.  Sa loob ng kotse paulit-ulit nyang sinasabi ang mga salitang ito.  Napakalambing nya talagang bata tuwina.  Kahit na alam kong ang guro nya ang sumulat ng pagbati sa sulat, alam kong kung kaya nya na iyon ay gagawin nya iyon para sa akin.

Natatandaan ko nung ako ay bata pa mahilig akong gumawa ng “greeting cards” para sa aking mga magulang at nilalagay ko pa sa ilalim ng kanilang unan para masurpresa sila.  Alam kong ito ay simula pa lamang ng marami pang greeting cards galing sa aking mahal  na Kasumi.  Simula ng mas makahulugan at espesyal na mother’s day para sa akin.  Salamat sa iyo aking mahal na anak at Maligayang Araw ng mga Ina sa lahat ng mga nanay!

happy

(When I fetched my baby yesterday from her summer workshop, immediately she handed me this white envelop while saying “Happy Mother’s Day, Mommy”.  I was deeply touched and nearly cried.  Inside the car she kept on repeating these words.  She’s just a very sweet girl ever since.  Even if the teacher was the one who wrote the greetings inside the letter, I know if she could do it already she would do it on her own for me.  I remember when I was a kid, I used to make greeting cards for my parents and I would put them under their pillow to surprise them.  I know this is only the beginning of many more cards from my dear sweet Kasumi.  The beginning of a more meaningful and special mother’s day for me.  Thank you my dear baby and Happy Mother’s day to all mothers out there.)

You might like these posts:


Comments

3 Responses to “LP: Simula pa lamang”

  1. khaye says:

    kaysarap ng pakiramdam pag bati ng anak, walang kapantay at halaga dulot nito. Happy Mother’s day.

  2. Thess says:

    Though wala akong anak, I can fully understand the joy you felt! And for sure a lot more is instore for you in the future. Happy Mother’s Day!

  3. silentprincess says:

    thank sa inyong dalawa sa pagbisita. Iba talaga ang ligaya na naidudulot ng pagmamahal galing sa isang anak..

Leave a Reply

*