Silent Princess

Breaking the Silence

LP: Malamig (Cold)

Posted By on January 20, 2011

Malamig na “Mineral Water” at “ice cubes” na hugis isda ang lahok ni Silent Princess para sa temang “Malamig” ngayong linggo sa Litratong Pinoy. Palagi akong umiinom ng malamig na “mineral water” at gustong gusto ko sya lalong-lalo na tuwing “Summer”. Itong “Sparkling Natural Mineral Water” ay isang regalo saken at hindi ko pa ito nabubuksan. Lagi kong nakakalimutang inumin ito dahil kapag nakikita ko sya sa refrigerator ay hindi sya mukhang mineral water hehehe. Ngunit noong naghahanap ako sa loob ng refrigerator ng pwede kong ilahok para sa tema ngayong Linggo, nakita ko ang boteng ito at binasa ko ang “label” at noon ko lang napagtanto na ito ay mineral water at iniregalo sa akin.

(Cold Mineral Water and ice cubes shaped like fish are Silent Princess’ entry for this week theme “Cold” at Litratong Pinoy. I always drink cold mineral water and I really like it especially during Summer. This Sparkling Natural Mineral Water was a gift for me and I haven’t opened it yet. I keep on forgetting to drink it because when I see it in the refrigerator it doesn’t look like a mineral water hehehe. But when I was looking inside the refrigerator for something I could post for this week theme, I saw this bottle and read the label and that was the only time I recognized that it is a mineral water and it was a gift for me.)

Ang aking pangalawang lahok ay larawan ng “ice cubes” na hugis isda.  Nalito nga ako kung ano dapat kong itawag kase hindi naman sya cubes hehehe at ang una kong naisip  na itawag ay ice fish hehehe.

My 2nd entry is a picture of ice cubes shaped like fish.  I was confused what to call them because they are not cubes hehehe and the first thing I thought to call it was ice fish hehehe.

You might like these posts:


Comments

7 Responses to “LP: Malamig (Cold)”

  1. upto6only says:

    ang sarap ngang inumin nyan pagf sobrang init ng panahon. Ang cute naman ng ice fish mo hehehe

    Happy LP

  2. silentprincess says:

    hahaha…gusto mo ng ice fish? hehehe

  3. Doc Emer says:

    San Pellegrino is one of the best in the world and is my favorite also! Better than Evian, hands down haha

    Maganda din po iced fish yo…meron pang bubbles sa loob

    Happy LP! :)

  4. silentprincess says:

    cge nga, mabuksan na.. 😀 Happy LP!

  5. Ebie says:

    The bottled water looks so chillin’ cold.

    Yung i=fished=shaped ice would be swimming in my cold glass of water!

  6. Marites says:

    mamahaling mineral water yan kaya siguradong nakakapanghinayang buksan. Naku, ang kyut naman ng icefish. magaling siguro sila lumangoy,ano? hehehe!

  7. silentprincess says:

    hahaha.. bago pa man sila makalangoy eh natutunaw na sila..heheh salamat sa pagbisita..

Leave a Reply

*